happy 2nd monthsary?

haha. grabe.. dormant na pala to noh... kamusta naman. siguro magkkwento nalang ako about sa araw na to, since ganon naman yung mga normal na laman ng blog.. :)

ang aga ko nagising.. tae. normally, i'd wake up at about 10:30am+ pero kanina, pinilit kong matulog pero 8am ako bumangon... hahaha. like my usual recent days, oo, stuck nanaman ako dito sa bahay. but unlike those usual "BORING" days as i'd define it, i'm now trying to change it into more productive ones...

dahil may hinihintay akong tawag (na tumawag nga, just to tell me na di na siya makakapunta dito) edi naglinis ako dito sa buong 2nd floor. oo NAGLINIS AKO!!

*walis *walis *walis
*mop *mop *mop


for some weird reason, parang nasarapan akong maglinis ng bahay.. yan siguro ang bago kong hobby ngayong summer, para magkaron naman ng katuturan yung kinabubulok ko sa bahay (not bulok anymore!)

ang mga posibleng pagtuunan ko ng pansin (oo, balak ko na rin maglinis ng ibang parte ng bahay)

  • living room
  • dining area
  • kitchen
  • kwarto ko (last resort)

at katulad din ng mga regular days ko, nakababad din ako sa internet magdamag, nood ng tv/dvd, maghahalungkat ng pwedeng kainin or inumin... (tae.. wala nang laman yung ref namin) ROUTINE nga pala ang tawag ko diyan noh. :))

i think i just have to keep myself preoccupied with stuffs para maiwasan kong mag-isip/magdrama/blah blah... yun na yon. haha.

grabe. kating kati na ko lumabas.. gusto ko makakita ng mga normal na tao.. gusto ko na mag-zambales kasama ang mga pinakamamahal kong blockmates!!