tssss...

naiirita nanaman ako. at first time kong isusulat na naiirita ako habang naiirita ako... kasi naiirita nga ko e.

parang isa to sa mga bagay na feeling ko hindi ko matatakasan. hindi mababago... kasi hindi naman dapat baguhin. dapat intidihin na lang diba. pero yun na nga... iniintindi ko naman ah. tinatanggap ko.

pero sorry, naiirita talaga ko... NAIIRITA TALAGA AKO!!!

tulad ngayon, di pa ko natutulog. oo, may pinapanood akong vcd at nag iinternet ako, pero naghahanap lang din ako ng rason para hindi makatulog. sabi mo kanina tatawag ka. kaninang lunchtime, konting oras lang hinihingi ko, parang napipilitan ka pa. pinilit kita kaya pumayag ka sa 15 minutes.

tas sabi mo, tatawagan mo nalang ako "mamaya". kelan pa ba yun? 9pm ba? e malapit nang mag 1 am dito. hello? palagi nalang ganyan. ayokong isumbat pero parang ganon na ginagawa ko, nilalabas ko na kasi kung anong iniisip ko..

tae. i don't care. i'm just really pissed off.