hooooooo......rah!

wednesday- hindi ako pumasok nung umaga. lintek na prelims sa ctec, bukas [sat] pa pala i-susubmit! tsk..... tas maraming hindi nag-attend.... kainis. wala ang destiny... e parating sa 7th floor ko yun nakikita... paglabas mo nga sa back door ng classroom namin may makikita ka dung bulletin board tas ayun..... dun naka-display ang picture niya... pero ngayon, pagtingin ko, parang "baket nawawala na?!?! this cannot be!!!!!!!!!!!!!!!!".......... baket ganon? sobrang hard to reach ang destiny? kung pinagkakaitan ka nga naman ng mundo o.......

naalala ko tuloy yung mga gestures na ginagawa namin ni des [duper super friend] pag nakikita si destiny.... hehehehe. basta, tinataas namin yung arms namin tapos sinasabi namin "star star.... star star.... star star...." haaaaaaaaaay.....

kahapon nung mdr binalik yung mga prelim plate namin.... tas ayun, 1.75 ang idol niyo. not bad! hindi ko natapos e. sana nakataas man lang kahit konti yung grade!

tapos nung hapon masaya! nag-attend kami dun sa parang talk ni Ronnie Del Carmen. sikat! graduate pala siya ng advertising sa ust! now that's what i'm talking about! hahaha! nakaka-amaze yung mga ganong klaseng pilipino.... sana magkaroon tayo ng ganung klase ng diskarte para hindi naghihirap ang bansa natin...

nung nagkkwentuhan kami ni ate leah tinanong ko siya: "baket sinasabing mahirap ang pilipinas?? tignan mo nga dito o... [while passing by macapagal highway]"... kung tutuusin kasi, maganda naman ang itchura ng pilipinas. may mga greenbelt tayo, eastwood city, glorietta, shangri-la, sm mall of asia, yung mga tipong pang sosyalan ng tao, most esp. ng mayayaman.... sabi niya hindi naman daw dun sinusukat yung sinasabing poverty sa development ng kapaligiran e... yung poverty ay mismong nasa pag-iisip nung mga tao.. wala lang... napaisip ako.. "may punto nga"... kasi pano uunlad yung bansa mo kung puro pasaway at puro pulitika nalang yung umiikot dun? ewan. malabo...

ngayon- wala palang pasok from 7am-1pm kasi may sportsfest thing yung mga prof... e tanga. hindi naman kami sinabihan kaya pumasok kami... wala kami talaga dapat pasok e! kasi hanggang 1pm lang kami ngayon! pero no choice kaya ayon....

tumambay ang tropa kela zanti.... nabitin ang panonood ko ng high school musical! pero ok pa din.... nag truth or consequence nalang kami yung tipong may spin-the-bottle pa. hahaha! andaming napaamin! apir tayo diyan!=P masaya lang kasi yung feeling pag nalabas mo na yung matagal mo nang tinatago kaya ayun...... apir talaga! APIR!

madami pa ngang dapat tapusin e... pero eto. nasa harap ako ng computer at nagt-type ng kung anu-ano.... sana wag niyo nalang pansinin lahat ng sinasabi ko!:))

time:10:09pm