something.. someone?
anong tingin mo sa sinabi saken nung isang kaibigan ko?
"kung sino yung nakasakit sa'yo ng husto, siya talaga yung totoong mahal (or fine.. GUSTO) mo...." hehehe. wala lang. napaisip ako dun ah..... hmmmmm.... tagal na rin. kamusta naman?!
so anyway, ngayong araw (na ang naka-skedyul na mga asignatura ay anatomy at creative technique) yung submission nung [take note...] TAKE HOME PRELIM PLATE namin sa anatomy. hehehe. oo. take home.
astig noh? kahit for once man lang sa school life ko ay natripan ko yung ginagawa namin... kahit mahirap! at eto pa, lahat ng major subjects ay hindi kailangan ng puspusang pagre-review ng mga makakapal na pahina ng libro at pagkakabisado sa mga mahahabang equations/formulas na tipong sinusukahan na natin nung high school! YEHEY!
aminin ko na. duling ako sa ginawa kong self-portrait which is by the way, with matching rendering ng colored pencils. potek. kahit mukhang madali yung ginagawa namin, hindi niyo lang din alam... in fairness, ang daming patong ng mga sari-saring kulay yung mga mukha namin sa papel! tipong hindi mo mapapansin, let's take for example yung kay zanti, may violet sa mukha niya, yung kay von may light green... o diba? akalain mo nga noh?.... tapos sabay sabi pa nung prof namin sa gawa ko, "baket napahaba yung mukha mo?" hehehe... OK LANG NAMAN. =P
tas after magsubmit ng plate pwede na kaming umalis, e mga tipong 8:30am palang so we went to capitol hospital to visit one of our friends na na-confine dahil nagka-dengue siya... tas kain sa jolibee... tas naligaw yung iba naming friends sa pagsakay ng jeep dahil, nagkamali sila ng sinakyan. HAHAHA!!! laughtrip sila! pero laughtrip din samin... IPIT NA IPIT SI KAY!:))
tapos ctec.... hehehe akyat baba kami ni sam.. hoping na kahit sulyap lang ay makita ko ang aking destiny.... pero parang walang destiny ngayon e... sayang. hindi tuloy nabuo ang araw ko... tsk tsk tsk... ayos lang... dami pa naman sigurong pagkakataon... all in all, the day's fine.. well, JUST FINE. nothing SPECIAL came.=)
date and time: Aug. 9 '06; 7:15pm



1 comments:
hmmmm, sino kaya si destiny?..
:)))))
Post a Comment