ang buhay ng isang estudyante sa iskul.
baba ng car. pasok ng gate. minsan kailangan pang magmadali... naabutan kasi ng manual bell. ayan. nag-uumpisa na ang flag ceremony na hindi naman talaga sineseryoso ng lahat. habang nasa line may mga nagkkwentuhan pa dyan... eto na. mag-uumpisa na ang klase. may mga pahabol pa dyang kukuha ng gamit nila sa locker. ay nako. kelan ba natuto ang mga tao. grabe talaga ang mga paghihirap na ipinapatong sa mg estudyante... tignan mo nalang ang mga kawawang itchura nila... ang papanget umagang umaga. laki ng mga eye-bag, ang gugulo ng buhok, pero ayan. nakukuha pa rin namang tumayo at umupo sa klasrum, magpakasaya na parang walang hinahabol na dedlayn kinabukasan... grabe... buhay nga naman ng isang estudyante ano?... hahaha.
so ayon... sa mga klase marami kang makikitang tulala pag nagdidiscuss ang titser, mga nagddaydream at mga taong tulog na akala mo gising... ewan ko lang ah... e sus. grabe na talaga ito... buhay nga naman o... ng isang junior... junior na walang awang nilalampaso ng maraming gawaing sobrang lupit na para bang hindi na pang tao... fine. sabihin mo nang exagg noh. e ganon kasi talaga yung feeling e.
habang may discussion may iba dyang nagdadaldalan, nagtatawanan, nagpapasahan ng letter,
nagtetext[???], mga kumakain ng kendi at kung ano ano pang madaling kainin... nako po... minsan nga e pati kanin at ulam kinakain na rin sa loob ng klasrum! wow. iba na talaga ang panahon ngayon! lahat posible na!
eto na. pag magch-check na ng test papers! hahaha! basta alam nung mga estudyanteng makakalusot sila, ayan na! sabay lagay ng tamang sagot sa blank spaces pag nakatalikod yung titser o dagdag ng points sa score! grabe na talaga ito...
pag yung mga subject naman before mag break pati before dismissal, pag narinig na yung manual bell may maririnig ka nalang ng mga pabulong ng "YES..." dahil sa wakas ay natapos din ang napaka-ubod-ng-sobrang-habang araw sa paaralan. ngayon naman meron dyan mga nagbabalak pang gumimik after class. mga mcdo retiro, frio, kfc, jolibee, yung mga along banawe... aba! talagang walang makapagpipigil sa mga ito o...
syempre pag andyan na sundo, "haaaaaaaaaay salamat...". pag uwi mo bagsak ka kagad. chaka mo palang mararamdaman lahat ng pagod na bitbit mo galing sa iyong iskul... grabe. grabe. grabe. wow. wow. wow. dapat sumasaludo tayo sa ating mga sarili! kita nyo naman dba! kahit dapa dapa na, hala sige tayo[as in stand!] pa rin! wala na talagang makakapigil sa matataas nating pangarap! wahahahahahahaha! kahit gano pa ka-impyerno ang lahat ng nasa paligid natin, sus... AS IF.



0 comments:
Post a Comment