walang pasok.
actually... may pasok kami ngayon [palihan day] pero hindi ako pumasok. [hindi lang naman ako noh. andyan din sina bea, jes at elaine at kung sino pa man ang nag-absent.Ü] baket hindi ako pumasok? kasi ganto yan e. dalawa yung requirements na kailangan ipasa bukas. e pag pumasok ako kakapusin ako ng oras mamaya. duh. kahit gano kasanay na kong naghahabol sa mga deadline syempre may limitation pa rin ako noh. so ayon. my parents know about it naman. so eto ako. stuck sa bahay. nagpapahinga... buti nalang natapos ko na yung intro at issue analysis para sa term paper sa english. problema ko nalang yung sa religion. pero mamaya na yon. gusto ko muna mag-relax. natapos ko yung sa term paper kanina before lunch e. so ayon i was just in time to eat. nakatatlong serving ako sa sobrang gutom... ang sarap nga nung burger e. not the usual you eat dyan sa mcdo or jolibee or sa kung saan man na bare lang yung lasa at itchura. eto talaga kakaiba e. dito lang yan sa bahay namin. so ayon. lamon nalang ng lamon... gutom talaga e. magagawa ko dba? grabe. kaninang umaga. ang sarap ng gising ko. syempre walang hinahabol na oras kasi hindi naman ako papasok...
sa buong buhay kong pumapasok sa parang hell na school, ngayon lang ako nag-absent para gumawa ng requirements. as in. ngayon ko lang hindi kinaya kasi ang hirap naman talaga e. sus. para sakin pa. e hindi naman ako nag-eexcel sa class noh. ang tamad tamad ko pa. so lalong mas mahirap pa yun talaga dba. wow. ang hirap maging third year... parang sa lahat ng years mo sa high school eto yung pinakamahirap! samin pa... nako kung kelan naman kami third year chaka pa hindi naging maganda yung line up ng teachers. daming bulok. ay actually may top 2. [let's not mention... hehehehe].
so ngayon, ako lang mag-isa dito sa bahay. maya maya siguro dadating na si dad... hahaha. sanay na ko mag-isa sa bahay. kaming tatlong magkakapatid sanay naman na talaga mag-isa sa bahay e. kasi dati madalas kaming iniiwan sa bahay kaya ayon. ok lang. saya nga e. sanayan lang talaga. minsan nakakatakot pero syempre ayos lang. ganon talaga. ayos to. solo ko bahay. YEHEY!



0 comments:
Post a Comment