last friday...
so pagpasok ko, ayon. nakita ko yung iba pang MARAMING nag-absent nung thursday... nakakatawa nga e kasi iba iba kami ng mga excuses... hehehe. ang saya nung experience! kasi ganito yung nangyari... dahil sa pag pile up nga ng mga requirements e ayon... maraming nag-absent nung thursday para gumawa ng kani-kanilang dapat tapusin. deadline na kasi kinabukasan e dalawa pa man din yun. yung term paper nga sa english tapos yung project sa religion. hindi ko aakalaing marami talagang nag-absent... sabi nung mga pumasok sobrang obvious daw kasi ang konti lang nila sa class... nung una mga 28 lang ata sila, tapos may mga nag half day kaya naging 31 [ata] na sila. grabe noh. tapos kinabukasan... hala eto na... medyo kinakabahan na yung mga guilty... hehehe. lusot kami kay mrs. sacdalan!! so edi ok na yon... susunod na yung kay mrs. noval. buti naman hindi sya nagsermon [na naman]. basta after nung homeroom pinalabas nya lang yung mga nag-absent tapos ayon.. kinausap nya kami at tinanong nga kung bakit kami nag-absent.. though we gave out our excuses perfectly [together with acting pa yan ah..], i think she had an idea naman on the real reason why.. so ayon.. wala na rin naman syang magagawa dba? hahaha.



0 comments:
Post a Comment