fiddler on the roof!

wow... hindi ako nakapag-blog these past few days e... so eto. nung monday we watched "Fiddler on the Roof" half day. as in buong umaga. grabe ang haba nung film na yun! pero astig. musical kasi e. hehehe. walalang. trip ko na mga musical na movies e. INTERESTING! pati na rin yung story nya... kahit nung medyo dulo ay napaidlip na ko... haha. inantok ako e. hindi na kinaya ng powers ko...

onga pala, ang kewl ng phantom of the opera. napanood ko last last week ata. basta with my 2 cousins, my lola [mom's mom], mom and dad. grabe. AMAZING! gwapo yung phantom pag naka maskara tapos gwapo si raul pag basa sya. ganda talaga. background music, effects, mismong plot, at yung mismong story na rin... ang ganda ng love story [love triangle? hahaha]. basta. ayon. walalang.

ngayon naman walang kwentang araw. meron kaming achievement test [english, abstract reasoning, advanced algebra at geom respectively..] buong umaga hanggang 12noon. ok na sana e... pero syemore as usual kong reklamo is yung alged at geom... grabe yung sa algeb wala akong naintindihan! pero may mga nasagutan pa rin naman ako kahit papano... mas madali nga yung sa geom e pero sa level pa rin ng mahirap. gets? o basta ayon. bwiset at nakakabanas... bakit ba hindi ako nabiyayaan ng utak para dyan sa dalawang subject na yan?! pano na ko?...

yung other half ng araw practical namin sa P.E.H.["balibol"]. andun kami sa covered court [kung saan parating ginaganap ang band fest (na bulok ngayong taon)...]. wow. nung nagp-practice kami nakapasok yung 2 kong service! nakakatulong pala talaga ang galit. [galit nga ba? hehehe]. SALAMAT CLA CLA! i took your advice kasi on how to do it [with halong galit] kaya ayon... SUCCESS!!!... hahahaha. knock out system kasi yung ginamit e. hahaha. fine so hindi kami nakapasok... ok lang. kinareer ko naman ang pagiging iskorer ko! hehehehe. ang saya maging official [as in taga-pulot ng bola!] WOOHOO!!! syempre pa-cheer cheer... so ayon... natapos naman ang araw ko sa school ng masaya. sumabay si elaine tapos kwentuhan lang kami nung pauwi na kami at ihahatid namin siya ni kuya larry. hahaha.