ang everyday before-school routine ng isang estudyante.

KRIIING!!! KRIIING!!! pucha. alarm ng 5:15am pero hindi naman gigising ng saktong 5:15. idlip idlip muna. minsan nga nalilingat pa yung oras e... okay. gising diretso kwarto [dahil hindi ako natutulog sa kwarto ko ngayon.] kuha towel chaka bath robe... crash sa kwarto ng parents kasi dun lang naman may shower na pwede hot water... ligo 15 minutes. matagal na yun sa lagay ng mga tao dito ok?! so ayon. so that's like before 6am. after maligo, punta sa "lavabo" [spelling nyan nakuha ko sa cr sa ateneo. hahaha] sa kabilang cr. toothbrush ng 3minutes. facial wash... aaaaaaaah... refreshing. ok... tapos malamang dry ng face tapos diretso clothes room sa may kitchen... kuha ng blouse and skirt, hatak ng socks at undergarments... haaaaay nako. tamad kasi kuhanin sa night before e kaya ayan tuloy... hahahaha. tapos pasok na ko sa kwarto ko. bihis na for like 10 minutes... malamang yung mga underwear muna. skirt tapos sock-shoe-sock-shoe. tapos kuha ng blouse, kabit ng ribbon tapos suot ko na. kuha id tapos aayusin ko na yung collar ko. hahaha. labas kwarto. ayos ng gamit tapos ayon. sakto 6:30 ready to go na, minsan nala-late pa. i don't go for heavy breakfast. kaya ayon. minsan hindi na rin ako nakakakain dahil WALA NANG TIME. tsk tsk tsk...